Yugto

0
110
views
Free Verse Poem ~~ I just wanna write His goodness. In my weakness, He is my strength

Itong yugto ng buhay ko na sadyang mahirap,
Yung parang ako’y mawawala na sa konting kurap,
Pero parang may hinihintay akong hindi ko alam kung ano ba.
Parang gusto ko lang magsuka ng mga salitang pilit na kumakawala,
Ngunit di ko alam kung papaano tutugma, ppaano mag salita.

Itong yugto ng buhay ko na parang ayoko na.
Yung tipong, ang rami kong gustong puntahan, sabihin, at gawin, ?
“Bakit kaya ganon? Ano ba talaga? Paano ba?”
Ang puso ko ay puno ng letra, ganto ka din ba?
Letra at mga salita na pilit na gustong takasan ka.

Pero ito ang yugto ng buhay ko, na naintindihan kong kahit anong
bitaw ko, merong hinding hindi magsasawang sundan ako.
Merong Siya na hinding hindi tatalikuran ang isang kagaya ko,
Na pilit mang lumayo at magpakatalunan sa mundong ito,
Merong Siya na nagsasabi saking, “Mahal kita, hinding hindi ako mapapagod sayo.”

Ito yung yugto ng buhay ko na sa wakas, kahit pagod na ako, merong Siya na
kakapitan ko,
na nagsisilbing lakas ko.
Merong Siya na nagpakasakit sa krus para sa akin at sa mga kasalanan ko.
Merong Siya na sa lahat ng kahinaan ko, merong Siya na kalakasan ko,
At Merong Siya na sasama sa akin sa pagbalik sa nakaraan at pagharap ng bagong bukas Naming dalawa.

Panginoon, salamat sa bagong pag-asa,
Salamat sa bagong buhay na kasama Ka.
Salamat sa mga salita Mong sabi mo panghawakan ko dahil nandyan Ka.
Dahil ito ay galing sa Iyo.
Panginoon, salamat sa bagong yugto na ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here